×

المائدة

Ayah 67

Tafsir Al-Mukhtasar

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ بَلِّغْ مَآ أُنزِلَ إِلَيْكَ مِن رَّبِّكَ ۖ وَإِن لَّمْ تَفْعَلْ فَمَا بَلَّغْتَ رِسَالَتَهُۥ ۚ وَٱللَّهُ يَعْصِمُكَ مِنَ ٱلنَّاسِ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلْكَـٰفِرِينَ ﴿٦٧﴾

O Sugo, magpabatid ka ng pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo nang buo at huwag kang maglihim mula rito ng anuman sapagkat kung naglihim ka mula rito ng anuman, ikaw ay hindi nagpapaabot ng pasugo ng Panginoon mo. (Nagpaabot nga ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng lahat ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot kaya ang sinumang nag-akala ng kasalungatan niyon ay nagpabigat nga ng kabulaanan laban kay Allāh.) Si Allāh ay mangangalaga sa iyo sa mga tao matapos ng araw na ito kaya hindi sila makakakaya ng pagpaparating sa iyo ng kasamaan at walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa pagkagabay sa mga tagatangging sumampalataya na hindi nagnanais ng kapatnubayan.