×

المائدة

Ayah 66

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَوْ أَنَّهُمْ أَقَامُوا۟ ٱلتَّوْرَىٰةَ وَٱلْإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيْهِم مِّن رَّبِّهِمْ لَأَكَلُوا۟ مِن فَوْقِهِمْ وَمِن تَحْتِ أَرْجُلِهِم ۚ مِّنْهُمْ أُمَّةٌ مُّقْتَصِدَةٌ ۖ وَكَثِيرٌ مِّنْهُمْ سَآءَ مَا يَعْمَلُونَ ﴿٦٦﴾

Kung sakaling ang mga Hudyo ay gumawa ng ayon sa Torah at ang mga Kristiyano ay gumawa ng ayon sa Ebanghelyo, at gumawa sila sa kalahatan ng ayon sa pinababa sa kanila mula sa Qur'ān, talaga sanang magpapadali Ako para sa kanila ng mga kadahilanan ng pagkamit ng panustos gaya ng pagpapababa ng ulan at pagpapatubo ng lupa. Kabilang sa mga May Kasulatan ang makatamtamang nananatili sa katotohanan ngunit ang marami kabilang sa kanila ay kay sagwa ang gawain nila dahil sa kawalan ng pananampalataya nila.