Tafsir Al-Mukhtasar
قُلْ يَـٰٓأَهْلَ ٱلْكِتَـٰبِ لَسْتُمْ عَلَىٰ شَىْءٍ حَتَّىٰ تُقِيمُوا۟ ٱلتَّوْرَىٰةَ وَٱلْإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيْكُم مِّن رَّبِّكُمْ ۗ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرًا مِّنْهُم مَّآ أُنزِلَ إِلَيْكَ مِن رَّبِّكَ طُغْيَـٰنًا وَكُفْرًا ۖ فَلَا تَأْسَ عَلَى ٱلْقَوْمِ ٱلْكَـٰفِرِينَ ﴿٦٨﴾
Sabihin mo, O Sugo: "Kayo, O mga Hudyo at mga Kristiyano, ay hindi nakabatay sa anuman mula sa relihiyong maisasaalang-alang hanggang sa gumawa kayo ayon sa Torah at Ebanghelyo at gumawa kayo ayon sa pinababa sa inyo mula sa Qur'ān, na hindi tutumpak ang pananampalataya ninyo malibang sa pamamagitan ng pananampalataya rito at paggawa ayon sa nasa loob nito. Talagang magdaragdag nga sa marami sa mga May Kasulatan ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ng isang pagmamalabis sa isang [dating] pagmamalabis at ng isang kawalang-pananampalataya sa isang [dating] kawalang-pananampalataya dahil sa taglay nilang inggit. Kaya huwag kang mamighati sa mga tagatangging sumampalatayang ito. Sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya ay may yaman at kasapatan.