Tafsir Al-Mukhtasar
ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِى سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ ٱسْتَوَىٰ عَلَى ٱلْعَرْشِ ۚ ٱلرَّحْمَـٰنُ فَسْـَٔلْ بِهِۦ خَبِيرًا ﴿٥٩﴾
[Siya] ang lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan Niya. Siya ang Napakamaawain, kaya magtanong ka, O Sugo, sa Kanya bilang Mapagbatid. Siya ay si Allāh na nakaaalam sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.