×

الفرقان

Ayah 58

Tafsir Al-Mukhtasar

وَتَوَكَّلْ عَلَى ٱلْحَىِّ ٱلَّذِى لَا يَمُوتُ وَسَبِّحْ بِحَمْدِهِۦ ۚ وَكَفَىٰ بِهِۦ بِذُنُوبِ عِبَادِهِۦ خَبِيرًا ﴿٥٨﴾

Manalig ka, O Sugo, sa lahat ng mga nauukol sa iyo kay Allāh, ang Buhay, ang Nananatili, na hindi namamatay magpakailanman, at magpawalang-kapintasan ka sa Kanya habang nagbubunyi sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.