×

الفرقان

Ayah 60

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱسْجُدُوا۟ لِلرَّحْمَـٰنِ قَالُوا۟ وَمَا ٱلرَّحْمَـٰنُ أَنَسْجُدُ لِمَا تَأْمُرُنَا وَزَادَهُمْ نُفُورًا ۩ ﴿٦٠﴾

Kapag sinabi sa mga tagatangging sumampalataya: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Hindi kami magpapatirapa sa Napakamaawain. Ano ang Napakamaawain? Hindi kami nakakikilala sa Kanya at hindi Kami kumikilala sa Kanya. Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin na pagpapatirapaan samantalang kami ay hindi nakakikilala sa Kanya?" Nakadagdag sa kanila ang pag-uutos Niya sa kanila ng pagpapatirapa sa Kanya ng isang pagkalayo sa pananampalataya sa Kanya.