×

البقرة

Ayah 91

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ ءَامِنُوا۟ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُوا۟ نُؤْمِنُ بِمَآ أُنزِلَ عَلَيْنَا وَيَكْفُرُونَ بِمَا وَرَآءَهُۥ وَهُوَ ٱلْحَقُّ مُصَدِّقًا لِّمَا مَعَهُمْ ۗ قُلْ فَلِمَ تَقْتُلُونَ أَنۢبِيَآءَ ٱللَّهِ مِن قَبْلُ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ ﴿٩١﴾

Kapag sinabi sa mga Hudyong ito: "Sumampalataya kayo sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niya na katotohanan at patnubay," ay nagsasabi sila: "Sumasampalataya kami sa pinababa sa mga propeta namin." Tumatanggi silang sumampalataya sa anumang iba pa roon na pinababa kay Muḥammad gayong ang Qur'ān na ito ay ang katotohanang umaayon sa taglay nila mula kay Allāh. Kung sakaling sila ay sumasampalataya nang totohanan sa pinababa sa kanila, talaga sanang sumampalataya sila sa Qur'ān. Sabihin mo, O Propeta, bilang sagot sa kanila: "Bakit kayo pumapatay sa mga propeta ni Allāh bago pa niyan kung totohanang kayo ay naging mga mananampalataya sa inihatid nila sa inyo na katotohanan?"