Tafsir Al-Mukhtasar
بِئْسَمَا ٱشْتَرَوْا۟ بِهِۦٓ أَنفُسَهُمْ أَن يَكْفُرُوا۟ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بَغْيًا أَن يُنَزِّلَ ٱللَّهُ مِن فَضْلِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦ ۖ فَبَآءُو بِغَضَبٍ عَلَىٰ غَضَبٍ ۚ وَلِلْكَـٰفِرِينَ عَذَابٌ مُّهِينٌ ﴿٩٠﴾
Kay saklap ng ipinagpalit nila sa bahagi ng mga sarili nila na pananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya sapagkat tumanggi silang sumampalataya sa pinababa ni Allāh at nagpasinungaling sila sa mga sugo Niya dala ng kawalang-katarungan at inggit dahilan sa pagpapababa ng pagkapropeta at ng Qur'ān kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Kaya naman naging karapat-dapat sila sa isang galit na pinag-ibayo mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at dahilan sa pagpilipit nila sa Torah bago pa nito. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagdurusang mang-aaba sa Araw ng Pagbangon.