×

البقرة

Ayah 92

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَقَدْ جَآءَكُم مُّوسَىٰ بِٱلْبَيِّنَـٰتِ ثُمَّ ٱتَّخَذْتُمُ ٱلْعِجْلَ مِنۢ بَعْدِهِۦ وَأَنتُمْ ظَـٰلِمُونَ ﴿٩٢﴾

Talaga ngang naghatid sa inyo ang sugo ninyong si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan niya. Pagkatapos, matapos niyon ay gumawa kayo sa guya bilang diyos na sinasamba ninyo matapos ng pag-alis ni Moises para sa pakikipagtipan sa Panginoon niya habang kayo ay tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal ninyo kay Allāh samantalang Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya na walang iba pa sa Kanya.