×

الأعراف

Ayah 49

Tafsir Al-Mukhtasar

أَهَـٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَقْسَمْتُمْ لَا يَنَالُهُمُ ٱللَّهُ بِرَحْمَةٍ ۚ ٱدْخُلُوا۟ ٱلْجَنَّةَ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمْ وَلَآ أَنتُمْ تَحْزَنُونَ ﴿٤٩﴾

Magsasabi si Allāh habang naninisi sa mga tagatangging sumampalataya: "Ang mga ito ba ang mga sumumpa kayong hindi magpapakamit sa kanila si Allāh ng awa mula sa ganang Kanya?" Magsasabi si Allāh sa mga mananampalataya: "Magsipasok kayo, O mga mananampalataya, sa Paraiso; walang pangamba sa inyo sa hinaharap ninyo ni kayo ay malulungkot sa anumang nakaalpas sa inyo mula sa mga bahagi sa mundo dahil sa kahaharapin ninyong kaginhawahang mamamalagi."