×

الأعراف

Ayah 48

Tafsir Al-Mukhtasar

وَنَادَىٰٓ أَصْحَـٰبُ ٱلْأَعْرَافِ رِجَالًا يَعْرِفُونَهُم بِسِيمَىٰهُمْ قَالُوا۟ مَآ أَغْنَىٰ عَنكُمْ جَمْعُكُمْ وَمَا كُنتُمْ تَسْتَكْبِرُونَ ﴿٤٨﴾

Mananawagan ang mga nananatili sa mga tuktok sa mga taong kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na nakikilala nila ayon sa mga palatandaan ng mga ito gaya ng kaitiman ng mga mukha ng mga ito at kabughawan ng mga mata ng mga ito habang mga nagsasabi sa mga ito: "Hindi nagpakinabang sa inyo ang pagpapakarami ninyo sa yaman at mga tauhan at hindi nagpakinabang sa inyo ang pag-ayaw ninyo sa katotohanan dala ng pagkamapagmalaki at pagmamataas."