Tafsir Al-Mukhtasar
مَّن يُصْرَفْ عَنْهُ يَوْمَئِذٍ فَقَدْ رَحِمَهُۥ ۚ وَذَٰلِكَ ٱلْفَوْزُ ٱلْمُبِينُ ﴿١٦﴾
Ang sinumang inilayo ni Allāh sa pagdurusang iyon sa Araw ng Pagbangon ay nagtamo nga dahil sa awa ni Allāh sa kanya. Ang kaligtasang iyon sa pagdurusa ay ang pagkatamong maliwanag na hindi ito mapapantayan ng isang pagkatamo.