×

الأنعام

Ayah 15

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ إِنِّىٓ أَخَافُ إِنْ عَصَيْتُ رَبِّى عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ ﴿١٥﴾

Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay nangangamba – kung sumuway ako kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinagbawal Niya sa akin gaya ng shirk at iba pa rito o pag-iwan sa ipinag-utos Niya sa akin gaya ng pananampalataya at iba rito kabilang sa mga pagtalima – na pagdurusahin Niya ako ng isang pagdurusang sukdulan sa Araw ng Pagbangon."