×

الأنعام

Ayah 124

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذَا جَآءَتْهُمْ ءَايَةٌ قَالُوا۟ لَن نُّؤْمِنَ حَتَّىٰ نُؤْتَىٰ مِثْلَ مَآ أُوتِىَ رُسُلُ ٱللَّهِ ۘ ٱللَّهُ أَعْلَمُ حَيْثُ يَجْعَلُ رِسَالَتَهُۥ ۗ سَيُصِيبُ ٱلَّذِينَ أَجْرَمُوا۟ صَغَارٌ عِندَ ٱللَّهِ وَعَذَابٌ شَدِيدٌۢ بِمَا كَانُوا۟ يَمْكُرُونَ ﴿١٢٤﴾

Kapag dumating sa mga malaking tao ng mga tagatangging sumampalataya ang isa sa mga tanda na ibinaba ni Allāh sa Propeta Niya ay nagsasabi sila: "Hindi kami sasampalataya hanggang sa magbigay sa amin si Allāh ng tulad sa ibinigay Niya sa mga propeta na pagkapropeta at pagkasugo." Kaya tumugon si Allāh sa kanila na Siya ay higit na maalam sa kung sino ang naaangkop sa pagkasugo at pagsasagawa sa mga tungkulin nito para itangi Niya ito sa pagkapropeta at pagkasugo. Magtatamo ang mga maniniil na ito ng isang kaabahan, isang panghahamak dahil sa pagkamapagmalaki nila, at isang pagdurusang matindi dahilan sa panlalansi nila.