×

الأنعام

Ayah 123

Tafsir Al-Mukhtasar

وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَا فِى كُلِّ قَرْيَةٍ أَكَـٰبِرَ مُجْرِمِيهَا لِيَمْكُرُوا۟ فِيهَا ۖ وَمَا يَمْكُرُونَ إِلَّا بِأَنفُسِهِمْ وَمَا يَشْعُرُونَ ﴿١٢٣﴾

Tulad ng nangyari sa mga pinakamalaking tao ng mga tagapagtambal sa Makkah na pagbalakid sa landas ni Allāh, gumawa Siya sa bawat pamayanan ng mga pangulo at mga pinunong gumagawa ng panggugulang nila at pakana nila sa pag-aanyaya tungo sa landas ng demonyo at pakikidigma sa mga sugo at mga tagasunod ng mga ito. Ang reyalidad ay na ang panlalansi nila at ang pakana nila ay bumabalik lamang sa kanila subalit sila ay hindi nakadarama niyon dahil sa kamangmangan nila at pagsunod sa mga pithaya nila.