×

الأنعام

Ayah 12

Tafsir Al-Mukhtasar

قُل لِّمَن مَّا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ قُل لِّلَّهِ ۚ كَتَبَ عَلَىٰ نَفْسِهِ ٱلرَّحْمَةَ ۚ لَيَجْمَعَنَّكُمْ إِلَىٰ يَوْمِ ٱلْقِيَـٰمَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۚ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ ﴿١٢﴾

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kanino ang paghahari sa mga langit, ang paghahari sa mga lupa, at ang paghahari sa anumang nasa pagitan ng mga ito?" Sabihin mo: "Ang paghahari sa mga ito sa kabuuan ng mga ito ay sa kay Allāh." Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa bilang pagmamabuting-loob mula sa Kanya sa mga lingkod Niya kaya naman hindi Siya nagmamadali sa kanila ng kaparusahan, hanggang sa kapag hindi sila nagbalik-loob ay magtitipon siya sa kanila sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na ito na walang duda hinggil dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh ay hindi sumasampalataya para sumagip sila sa mga sarili nila sa kalugihan.