Tafsir Al-Mukhtasar
قُلْ سِيرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ ثُمَّ ٱنظُرُوا۟ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلْمُكَذِّبِينَ ﴿١١﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapasinungaling na nangungutyang ito: "Humayo kayo sa lupain, pagkatapos magmuni-muni kayo kung papaano naging ang wakas ng mga tagapasinungaling sa mga sugo ni Allāh sapagkat dumapo sa kanila ang parusa ni Allāh matapos ng dati nilang taglay na lakas at kapangyarihan."