Tafsir Al-Mukhtasar
أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَن فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَن فِى ٱلْأَرْضِ ۗ وَمَا يَتَّبِعُ ٱلَّذِينَ يَدْعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ شُرَكَآءَ ۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ ﴿٦٦﴾
Pansinin, tunay na sa kay Allāh lamang ang paghahari sa sinumang nasa mga langit at ang paghahari sa sinumang nasa lupa. Sa aling bagay sumusunod ang mga tagapagtambal na sumasamba sa bukod pa kay Allāh bilang mga pantambal? Hindi sila sumusunod, sa katotohanan, kundi sa pagdududa at wala silang [ginagawa] kundi nagsisinungaling sa pag-uugnay nila ng mga pantambal kay Allāh. Pagkataas-taas si Allāh para sa sabi nila ayon sa kataasang malaki.