Tafsir Al-Mukhtasar
وَلَا يَحْزُنكَ قَوْلُهُمْ ۘ إِنَّ ٱلْعِزَّةَ لِلَّهِ جَمِيعًا ۚ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْعَلِيمُ ﴿٦٥﴾
Huwag kang malungkot, O Sugo, dahil sa sinasabi ng mga ito na paninirang-puri at pang-aalipusta sa relihiyon mo. Tunay na ang paggapi at ang pagdaig sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh sapagkat walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman. Siya ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga ginagawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.