×

يونس

Ayah 57

Tafsir Al-Mukhtasar

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدْ جَآءَتْكُم مَّوْعِظَةٌ مِّن رَّبِّكُمْ وَشِفَآءٌ لِّمَا فِى ٱلصُّدُورِ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِّلْمُؤْمِنِينَ ﴿٥٧﴾

O mga tao, dumating nga sa inyo ang Qur'ān na may pagpapaalaala, pagpapaibig, at pagpapangilabot. Ito ay isang lunas sa nasa mga puso na sakit ng pagdududa at pag-aalinlangan, at isang paggabay sa daan ng katotohanan. Dito ay may awa para sa mga mananampalataya sapagkat sila ang mga makikinabang dito.