Tafsir Al-Mukhtasar
هُوَ يُحْىِۦ وَيُمِيتُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ ﴿٥٦﴾
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay bumubuhay sa mga patay at nagbibigay-kamatayan sa mga buhay. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.