×

يونس

Ayah 47

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلِكُلِّ أُمَّةٍ رَّسُولٌ ۖ فَإِذَا جَآءَ رَسُولُهُمْ قُضِىَ بَيْنَهُم بِٱلْقِسْطِ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ ﴿٤٧﴾

Para sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunang nauna ay may sugong isinugo sa kanila. Kaya kapag umabot sa kanila ang ipinag-utos na ipaabot at nagpasinungaling sila rito, hahatol sa pagitan nila at nito ayon sa katarungan, ngunit magliligtas dito si Allāh dahil sa kabutihang-loob Niya at magpapahamak Siya sa kanila ayon sa katarungan Niya habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan sa anuman sa ganti sa mga gawa nila.