×

يونس

Ayah 46

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ ٱلَّذِى نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ ثُمَّ ٱللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا يَفْعَلُونَ ﴿٤٦﴾

Kung magpapakita nga naman Kami sa iyo, O Sugo, ng ilan sa ipinangako Namin sa kanila na pagdurusa bago ng kamatayan mo, o magpapayao nga naman Kami sa iyo bago niyon, sa kapwa kalagayan ay tungo sa Amin ang panunumbalik nila sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos si Allāh ay nakababatid sa anumang dati nilang ginagawa: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga gawa nila.