×

يونس

Ayah 20

Tafsir Al-Mukhtasar

وَيَقُولُونَ لَوْلَآ أُنزِلَ عَلَيْهِ ءَايَةٌ مِّن رَّبِّهِۦ ۖ فَقُلْ إِنَّمَا ٱلْغَيْبُ لِلَّهِ فَٱنتَظِرُوٓا۟ إِنِّى مَعَكُم مِّنَ ٱلْمُنتَظِرِينَ ﴿٢٠﴾

Nagsasabi ang mga tagapagtambal: "Bakit kasi walang pinababa kay Muḥammad na isang tanda mula sa Panginoon niya, na nagpapatunay sa katapatan Niya?" Kaya sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang pagbaba ng mga tanda ay lingid na natatangi si Allāh sa kaalaman nito, kaya maghintay kayo ng iminungkahi ninyo na mga tandang pisikal; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay sa mga ito."