×

يونس

Ayah 19

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمَا كَانَ ٱلنَّاسُ إِلَّآ أُمَّةً وَٰحِدَةً فَٱخْتَلَفُوا۟ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ لَقُضِىَ بَيْنَهُمْ فِيمَا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ ﴿١٩﴾

Walang iba dati ang mga tao kundi nag-iisang kalipunang mananampalatayang naniniwala sa kaisahan [ni Allāh], saka nagkaiba-iba sila sapagkat mayroon sa kanila na nanatiling mananampalataya at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya. Kung hindi dahil sa nagdaang pagtatadhana ni Allāh na Siya ay hindi hahatol sa pagitan nila kaugnay sa ipinagkaiba-iba nila sa Mundo at hahatol lamang Siya sa pagitan nila hinggil doon sa Araw ng Pagbangon, kung hindi dahil doon ay talaga sanang humatol Siya sa pagitan nila sa Mundo kaugnay sa nagkakaiba-iba sila para luminaw ang napapatnubayan sa naliligaw.