×

يونس

Ayah 12

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذَا مَسَّ ٱلْإِنسَـٰنَ ٱلضُّرُّ دَعَانَا لِجَنۢبِهِۦٓ أَوْ قَاعِدًا أَوْ قَآئِمًا فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُ ضُرَّهُۥ مَرَّ كَأَن لَّمْ يَدْعُنَآ إِلَىٰ ضُرٍّ مَّسَّهُۥ ۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلْمُسْرِفِينَ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ ﴿١٢﴾

Kapag tumama sa taong tagapagmalabis sa sarili niya ang isang karamdaman o ang isang kasagwaan ng kalagayan ay dumadalangin siya sa Amin habang nagpapakaabang nagsusumamo habang nakahiga sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo, sa pag-asang maalis ang taglay niyang kapinsalaan. Ngunit noong tumugon Kami sa panalangin niya at nag-alis Kami sa taglay niyang kapinsalaan ay nagpatuloy siya sa kung ano ang dating nasa kanya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin ng pagpawi sa kapinsalaang tumama sa kanya. Kung paanong ipinaakit para sa umaayaw na ito ang pagpapatuloy sa pagkaligaw niya, ipinaakit sa mga lumalampas sa mga hangganan dahil sa kawalang-pananampalataya nila ang dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kaya hindi sila nag-iiwan nito.