×

يونس

Ayah 11

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَوْ يُعَجِّلُ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ ٱلشَّرَّ ٱسْتِعْجَالَهُم بِٱلْخَيْرِ لَقُضِىَ إِلَيْهِمْ أَجَلُهُمْ ۖ فَنَذَرُ ٱلَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَآءَنَا فِى طُغْيَـٰنِهِمْ يَعْمَهُونَ ﴿١١﴾

Kung sakaling ipamamadali ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ang pagtugon sa panalangin ng mga tao ng kasamaan laban sa mga sarili nila, mga anak nila, at mga yaman nila sa sandali ng galit, tulad ng itinutugon Niya sa kanila sa panalangin nila ng kabutihan, talaga sanang napahamak sila. Subalit si Allāh ay nagpapalugit sa kanila kaya hinahayaan Niya ang mga hindi naghihintay sa pakikipagkita sa Kanya dahil sila ay hindi nangangamba sa isang parusa at hindi nag-aasam-asam ng isang gantimpala. Iniiwan Niya sila habang mga nag-aatubili, na mga nalilito, na mga nag-aalinlangan sa Araw ng Pagtutuos.