Tafsir Al-Mukhtasar
وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن نُّعْجِزَ ٱللَّهَ فِى ٱلْأَرْضِ وَلَن نُّعْجِزَهُۥ هَرَبًا ﴿١٢﴾
Na kami ay nakatiyak na kami ay hindi makalulusot kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – kapag nagnais Siya sa amin ng isang bagay, at hindi makalulusot sa Kanya sa isang pagtakas dahil sa pagkakasaklaw Niya sa amin.