×

الأعراف

Ayah 52

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَقَدْ جِئْنَـٰهُم بِكِتَـٰبٍ فَصَّلْنَـٰهُ عَلَىٰ عِلْمٍ هُدًى وَرَحْمَةً لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ ﴿٥٢﴾

Talaga ngang naghatid Kami sa kanila ng Qur'ān na ito na isang kasulatan na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Naglinaw nga Kami rito, ayon sa kaalaman mula sa Amin, ng anumang pinalilinaw Namin. Ito ay isang tagapatnubay para sa mga mananampalataya tungo sa daan ng pagkagabay at katotohanan, at isang awa sa kanila dahil sa taglay nito na kagabayan sa kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay.