×

الأعراف

Ayah 39

Tafsir Al-Mukhtasar

وَقَالَتْ أُولَىٰهُمْ لِأُخْرَىٰهُمْ فَمَا كَانَ لَكُمْ عَلَيْنَا مِن فَضْلٍ فَذُوقُوا۟ ٱلْعَذَابَ بِمَا كُنتُمْ تَكْسِبُونَ ﴿٣٩﴾

Magsasabi ang mga pinapanginoong sinusunod sa mga tagasunod nila: "Hindi kayo nagkaroon, O mga tagasunod, higit sa amin ng anumang kalamangang nagiging karapat-dapat kayo dahil dito sa pagpapagaan ng pagdurusa sa inyo sapagkat ang isinasaalang-alang ay ayon sa nakamit ninyo na mga gawa. Walang maidadahilan para sa inyo sa pagsunod sa kabulaanan, kaya lasapin ninyo, O mga tagasunod, ang pagdurusa, tulad ng nilasap namin, dahilan sa dati ninyong nakakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."