×

الأعراف

Ayah 200

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ ٱلشَّيْطَـٰنِ نَزْغٌ فَٱسْتَعِذْ بِٱللَّهِ ۚ إِنَّهُۥ سَمِيعٌ عَلِيمٌ ﴿٢٠٠﴾

Kapag nakadama ka, O Sugo, na ang demonyo ay nagpatama sa iyo ng isang panunulsol o isang pagsagabal sa paggawa ng kabutihan, dumulog ka kay Allāh at mangunyapit ka sa Kanya sapagkat tunay na Siya ay Madinigin sa anumang sinasabi mo, Maalam sa pagdulog mo kaya magtatanggol Siya sa iyo laban sa demonyo.