×

الأعراف

Ayah 193

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِن تَدْعُوهُمْ إِلَى ٱلْهُدَىٰ لَا يَتَّبِعُوكُمْ ۚ سَوَآءٌ عَلَيْكُمْ أَدَعَوْتُمُوهُمْ أَمْ أَنتُمْ صَـٰمِتُونَ ﴿١٩٣﴾

Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anitong ito na ginagawa ninyo bilang mga diyos bukod pa kay Allāh tungo sa patnubay ay hindi tutugon ang mga ito sa pag-anyaya ninyo at hindi susunod sa inyo sapagkat magkatulad sa ganang mga ito ang pag-anyaya ninyo sa mga ito at ang pananahimik ninyo sa mga ito dahil ang mga ito ay payak na mga walang-buhay: hindi nag-iisip ang mga ito, hindi nakaririnig ang mga ito, at hindi nagsasalita ang mga ito.