×

الأعراف

Ayah 188

Tafsir Al-Mukhtasar

قُل لَّآ أَمْلِكُ لِنَفْسِى نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُ ۚ وَلَوْ كُنتُ أَعْلَمُ ٱلْغَيْبَ لَٱسْتَكْثَرْتُ مِنَ ٱلْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِىَ ٱلسُّوٓءُ ۚ إِنْ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ ﴿١٨٨﴾

Sabihin mo, O Muḥammad: "Hindi ko nakakaya ng pagdulot ng kabutihan para sa sarili ko ni pagpawi ng kasamaan dito maliban sa niloob ni Allāh. Iyon ay kay Allāh lamang. Wala akong nalalaman maliban sa itinuro sa akin ni Allāh kaya hindi ko nalalaman ang Lingid. Kung sakaling nangyaring nalalaman ko ang Lingid, talaga sanang gumawa ako ng mga kadahilanan na nalalaman ko na ang mga ito ay magdudulot para sa akin ng mga kapakanan at magtutulak palayo sa akin ng mga katiwalian dahil sa pagkakaalam ko sa mga bagay-bagay bago ng pangyayari ng mga ito at sa pagkakaalam ko sa anumang kauuwian ng mga ito. Walang iba ako kundi isang Sugo mula sa ganang kay Allāh. Nagpapangamba ako ng parusa Niyang masakit. Nagbabalita ako ng nakalulugod na gantimpala Niyang marangal sa mga taong sumasampalataya na ako ay isang Sugo mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – at naniniwala sa anumang inihatid ko."