×

الأعراف

Ayah 182

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا سَنَسْتَدْرِجُهُم مِّنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ ﴿١٨٢﴾

Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at hindi sumampalataya sa mga ito, bagkus nagkaila sila sa mga ito, ay magbubukas Kami para sa kanila ng mga pinto ng panustos hindi bilang pagpaparangal sa kanila, bagkus para sa paghahalina sa kanila upang magpatuloy sila sa taglay nilang pagkaligaw. Pagkatapos tatama sa kanila ang parusa Namin sa sandali ng kawalang-bahala.