×

الأعراف

Ayah 172

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذْ أَخَذَ رَبُّكَ مِنۢ بَنِىٓ ءَادَمَ مِن ظُهُورِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَأَشْهَدَهُمْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمْ أَلَسْتُ بِرَبِّكُمْ ۖ قَالُوا۟ بَلَىٰ ۛ شَهِدْنَآ ۛ أَن تَقُولُوا۟ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ إِنَّا كُنَّا عَنْ هَـٰذَا غَـٰفِلِينَ ﴿١٧٢﴾

Banggitin mo, O Muḥammad, noong pinalabas ng Panginoon mo mula sa mga gulugod ng mga anak ni Adan ang mga supling nila at pinaamin Niya sila sa pagkilala sa pagkapanginoon Niya sa pamamagitan ng inilagak Niya sa mga kalikasan ng pagkalalang sa kanila na pagkilala na Siya ay ang Tagalikha nila at ang Panginoon nila, na nagsasabi sa kanila: "Hindi ba Ako ay Panginoon ninyo?" Nagsabi naman silang lahat: "Opo; Ikaw ay Panginoon namin." Nagsabi Siya: "Sumubok lamang Kami sa inyo at gumawa Kami sa inyo ng isang kasunduan upang hindi kayo magkaila sa Araw ng Pagbangon sa katwiran Namin sa inyo at magsabi kayo na wala kayong kaalaman doon."