×

الأعراف

Ayah 161

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذْ قِيلَ لَهُمُ ٱسْكُنُوا۟ هَـٰذِهِ ٱلْقَرْيَةَ وَكُلُوا۟ مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ وَقُولُوا۟ حِطَّةٌ وَٱدْخُلُوا۟ ٱلْبَابَ سُجَّدًا نَّغْفِرْ لَكُمْ خَطِيٓـَٔـٰتِكُمْ ۚ سَنَزِيدُ ٱلْمُحْسِنِينَ ﴿١٦١﴾

Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Pumasok kayo sa Jerusalem. Kumain kayo mula sa mga bunga ng pamayanan nito mula sa alinmang pook mula rito at sa alinmang oras na niloob ninyo. Magsabi kayo: 'O Panginoon namin, mag-alis Ka sa amin ng mga kamalian namin.' Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod, na mga nagpapasailalim sa Panginoon ninyo. Kaya kung gumawa kayo niyon, magpapalampas Kami ng mga pagkakasala ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagagawa ng maganda ng mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay."