×

الأعراف

Ayah 156

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱكْتُبْ لَنَا فِى هَـٰذِهِ ٱلدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِى ٱلْـَٔاخِرَةِ إِنَّا هُدْنَآ إِلَيْكَ ۚ قَالَ عَذَابِىٓ أُصِيبُ بِهِۦ مَنْ أَشَآءُ ۖ وَرَحْمَتِى وَسِعَتْ كُلَّ شَىْءٍ ۚ فَسَأَكْتُبُهَا لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ وَيُؤْتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلَّذِينَ هُم بِـَٔايَـٰتِنَا يُؤْمِنُونَ ﴿١٥٦﴾

Gawin Mo kaming kabilang sa mga pinarangalan Mo sa buhay na ito sa pamamagitan ng mga biyaya at kagalingan at itinuon Mo sa gawang maayos, at kabilang sa mga pinaghandaan Mo ng Paraiso, kabilang sa mga lingkod Mong maayos, sa Kabilang-buhay. Tunay na kami ay nagbalik-loob sa Iyo at bumalik na mga umaamin sa pagkukulang namin." Nagsabi si Allāh: "Ang parusa Ko ay pinatatama Ko sa sinumang niloob Ko na sinumang gumagawa ng mga kadahilanan ng kamiserablehan. Ang awa Ko ay sumaklaw sa bawat bagay sa Mundo, kaya walang nilikha malibang nakarating nga sa kanya ang awa Ko at pinuspos siya ng kabutihang-loob Ko at paggawa Ko ng maganda. Kaya magtatakda Ako ng awa Ko sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko, [para] sa mga nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila sa mga karapat-dapat sa mga ito, at [para] sa kanila na sa mga tanda Ko ay sumasampalataya.