×

الأعراف

Ayah 146

Tafsir Al-Mukhtasar

سَأَصْرِفُ عَنْ ءَايَـٰتِىَ ٱلَّذِينَ يَتَكَبَّرُونَ فِى ٱلْأَرْضِ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ وَإِن يَرَوْا۟ كُلَّ ءَايَةٍ لَّا يُؤْمِنُوا۟ بِهَا وَإِن يَرَوْا۟ سَبِيلَ ٱلرُّشْدِ لَا يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا وَإِن يَرَوْا۟ سَبِيلَ ٱلْغَىِّ يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا وَكَانُوا۟ عَنْهَا غَـٰفِلِينَ ﴿١٤٦﴾

Ililihis Ko palayo sa pagsasaalang-alang sa mga tanda Ko sa mga abot-tanaw at mga sarili at palayo sa pagkaintindi sa mga talata ng Aklat Ko ang mga nagmamataas sa mga lingkod Ko at sa katotohanan nang walang karapatan. Kung makakikita sila ng bawat tanda ay hindi sila maniniwala rito dahil sa pagtutol nila rito at pag-ayaw nila rito at dahil sa pagsalangsang nila kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung makakikita sila ng daan ng katotohanang nagpaparating sa kaluguran ni Allāh ay hindi sila tatahak nito at hindi sila nakaiibig nito. Kung makakikita sila ng daan ng kalisyaan at pagkaligaw na nagpaparating sa pagkainis ni Allāh ay tatahak sila nito. Ang dumapong iyon sa kanila ay dumapo lamang sa kanila dahil sa pagpapasinungaling nila sa mga dakilang tanda ni Allāh na nagpapatunay sa katapatan ng anumang inihatid ng mga sugo, at dahil sa pagkalingat nila sa pagtingin sa mga ito.