×

الأعراف

Ayah 128

Tafsir Al-Mukhtasar

قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ ٱسْتَعِينُوا۟ بِٱللَّهِ وَٱصْبِرُوٓا۟ ۖ إِنَّ ٱلْأَرْضَ لِلَّهِ يُورِثُهَا مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦ ۖ وَٱلْعَـٰقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ ﴿١٢٨﴾

Nagsabi si Moises habang nagtatagubilin sa mga tao niya: "O mga kalipi, humingi kayo ng tulong mula kay Allāh lamang sa pagtaboy ng kapinsalaan palayo sa inyo at pagtamo ng pakinabang patungo sa inyo. Magtitiis kayo sa dinaranas ninyo na pagsusulit sapagkat tunay na ang lupa ay sa kay Allāh lamang at hindi sa kay Paraon ni sa iba pa sa kanya para magdomina rito. Si Allāh ay nagpapalipat-lipat nito sa pagitan ng mga tao alinsunod sa kalooban niya, ngunit ang magandang kinahihinatnan sa lupa ay ukol sa mga mananampalatayang sumusunod sa mga ipinag-uutos ng Panginoon nila at umiiwas sa mga sinasaway Niya. Ito ay ukol sa kanila kahit pa tumama sa kanila ang anumang tumama sa kanila na mga pagsubok at mga pagsusulit."