×

الأعراف

Ayah 123

Tafsir Al-Mukhtasar

قَالَ فِرْعَوْنُ ءَامَنتُم بِهِۦ قَبْلَ أَنْ ءَاذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّ هَـٰذَا لَمَكْرٌ مَّكَرْتُمُوهُ فِى ٱلْمَدِينَةِ لِتُخْرِجُوا۟ مِنْهَآ أَهْلَهَا ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ ﴿١٢٣﴾

Nagsabi sa kanila si Paraon habang nagbabanta sa kanila matapos ng pagsampalataya nila kay Allāh lamang: "Naniwala kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na ang pananampalataya ninyo sa kanya at ang paniniwala ninyo sa inihatid niya ay talagang isang panlilinlang at pakanang ipinanlalang ninyo mismo at ni Moises para sa pagpapalabas sa mga naninirahan sa lungsod mula rito. Kaya malalaman ninyo, O mga manggagaway, ang dadapo sa inyo na parusa at ang tatama sa inyo na parusang panghalimbawa.