×

الأعراف

Ayah 12

Tafsir Al-Mukhtasar

قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسْجُدَ إِذْ أَمَرْتُكَ ۖ قَالَ أَنَا۠ خَيْرٌ مِّنْهُ خَلَقْتَنِى مِن نَّارٍ وَخَلَقْتَهُۥ مِن طِينٍ ﴿١٢﴾

Nagsabi si Allāh – pagkataas-taas Siya – bilang paninisi kay Satanas: "Alin ang nakapigil sa iyo sa pagsunod sa utos Ko sa iyo na magpatirapa kay Adan?" Nagsabi si Satanas habang sumasagot sa Panginoon niya: "Nakapigil sa akin na ako ay higit na mainam kaysa sa kanya sapagkat nilikha Mo ako mula sa apoy samantalang nilikha Mo siya mula sa putik. Ang apoy ay higit na marangal kaysa sa putik."