Tafsir Al-Mukhtasar
وَمَا وَجَدْنَا لِأَكْثَرِهِم مِّنْ عَهْدٍ ۖ وَإِن وَجَدْنَآ أَكْثَرَهُمْ لَفَـٰسِقِينَ ﴿١٠٢﴾
Hindi nakatagpo si Allāh sa higit na marami sa mga kalipunan, na isinugo sa mga iyon ang mga sugo, ng anumang pagtupad at pananatili sa itinagubilin Niya. Hindi Siya nakatagpo sa kanila ng pagpapaakay sa mga ipinag-uutos Niya. Nakatagpo lamang Siya sa higit na marami sa kanila na mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya.