×

الأعراف

Ayah 100

Tafsir Al-Mukhtasar

أَوَلَمْ يَهْدِ لِلَّذِينَ يَرِثُونَ ٱلْأَرْضَ مِنۢ بَعْدِ أَهْلِهَآ أَن لَّوْ نَشَآءُ أَصَبْنَـٰهُم بِذُنُوبِهِمْ ۚ وَنَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ ﴿١٠٠﴾

Hindi ba luminaw para sa mga itatalagang kahalili sa lupa matapos ng pagpapahamak sa mga ninuno nila kabilang sa mga kalipunan dahilan sa mga pagkakasala ng mga iyon, pagkatapos hindi sila nagsaalang-alang sa dumapo sa mga iyon, bagkus ginawa nila ang mga gawain ng mga iyon? Hindi luminaw sa mga ito na si Allāh, kung sakaling niloob Niya na magpasakit sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila, ay talaga sanang nagpasakit Siya sa kanila dahil sa mga ito gaya ng kalakaran Niya. Nagsasara Siya sa mga puso nila kaya naman hindi napangangaralan ang mga ito ng isang pangangaral at hindi nagpapakinabang sa mga ito ang isang paalaala.