Tafsir Al-Mukhtasar
وَٱلَّـٰٓـِٔى يَئِسْنَ مِنَ ٱلْمَحِيضِ مِن نِّسَآئِكُمْ إِنِ ٱرْتَبْتُمْ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَـٰثَةُ أَشْهُرٍ وَٱلَّـٰٓـِٔى لَمْ يَحِضْنَ ۚ وَأُو۟لَـٰتُ ٱلْأَحْمَالِ أَجَلُهُنَّ أَن يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ ۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجْعَل لَّهُۥ مِنْ أَمْرِهِۦ يُسْرًا ﴿٤﴾
Ang mga babaing diniborsiyo na nawalan ng pag-asa na magregla dahil sa katandaan ng edad nila, kung nagduda kayo sa pamamaraan ng panahon ng paghihintay nila, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan. Ang mga [babaing] hindi pa umabot sa edad pagreregla dahil sa kabataan nila, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan din naman. Ang mga nagdadalang-tao kabilang sa mga babae, ang wakas ng panahon ng pahihintay nila dahil sa diborsiyo o pagyao [ng asawa] ay kapag nagsilang sila ng dinadalang-tao nila. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay magpapaluwag si Allāh para rito sa mga nauukol dito at magpapadali Siya para rito ng bawat mahirap.