Tafsir Al-Mukhtasar
فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ مَا ٱسْتَطَعْتُمْ وَٱسْمَعُوا۟ وَأَطِيعُوا۟ وَأَنفِقُوا۟ خَيْرًا لِّأَنفُسِكُمْ ۗ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِۦ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ ﴿١٦﴾
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa abot ng makakaya ninyo sa pagtalima sa Kanya sa anuman, makinig kayo, tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, at magkaloob kayo ng mga yaman ninyo na itinustos sa inyo ni Allāh sa paggawa ng mga uri ng kabutihan. Ang sinumang ipinagsanggalang ni Allāh sa sigasig ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatamo ng hinihiling nila at ang mga maliligtas sa pinangingilabutan nila.