×

الأنعام

Ayah 99

Tafsir Al-Mukhtasar

وَهُوَ ٱلَّذِىٓ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَخْرَجْنَا بِهِۦ نَبَاتَ كُلِّ شَىْءٍ فَأَخْرَجْنَا مِنْهُ خَضِرًا نُّخْرِجُ مِنْهُ حَبًّا مُّتَرَاكِبًا وَمِنَ ٱلنَّخْلِ مِن طَلْعِهَا قِنْوَانٌ دَانِيَةٌ وَجَنَّـٰتٍ مِّنْ أَعْنَابٍ وَٱلزَّيْتُونَ وَٱلرُّمَّانَ مُشْتَبِهًا وَغَيْرَ مُتَشَـٰبِهٍ ۗ ٱنظُرُوٓا۟ إِلَىٰ ثَمَرِهِۦٓ إِذَآ أَثْمَرَ وَيَنْعِهِۦٓ ۚ إِنَّ فِى ذَٰلِكُمْ لَـَٔايَـٰتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ ﴿٩٩﴾

Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig, ang tubig ng ulan. Nagpatubo Siya sa pamamagitan nito ng bawat isa sa mga uri ng mga halaman. Nagpalabas Siya mula sa mga halaman ng mga pananim at mga punong luntian, na nagpapalabas naman Siya mula sa mga ito ng mga butil na pumapatong sa isa't isa gaya ng nangyayari sa mga puso ng mga butil. Mula sa mga bulaklak ng mga punong datiles lumalabas ang mga piling ng mga ito nang malapit, na naaabot ng nakatayo at nakaupo. Nagpalabas Siya ng mga hardin ng mga ubas. Nagpalabas Siya ng oliba at granada, na nagkakatulad ang mga dahon ng dalawang ito, na nagkakaiba ang mga bunga ng dalawang ito. Tumingin kayo, O mga tao, sa mga bunga ng mga ito sa unang paglitaw at sa mga ito kapag nahihinog. Tunay na sa gayon, O mga tao, ay talagang may mga patunay na maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong sumasampalataya kay Allāh sapagkat sila ay ang mga nakikinabang sa mga patunay at mga patotoong ito.