Tafsir Al-Mukhtasar
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ ٱفْتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوْ قَالَ أُوحِىَ إِلَىَّ وَلَمْ يُوحَ إِلَيْهِ شَىْءٌ وَمَن قَالَ سَأُنزِلُ مِثْلَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ ۗ وَلَوْ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلظَّـٰلِمُونَ فِى غَمَرَٰتِ ٱلْمَوْتِ وَٱلْمَلَـٰٓئِكَةُ بَاسِطُوٓا۟ أَيْدِيهِمْ أَخْرِجُوٓا۟ أَنفُسَكُمُ ۖ ٱلْيَوْمَ تُجْزَوْنَ عَذَابَ ٱلْهُونِ بِمَا كُنتُمْ تَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ غَيْرَ ٱلْحَقِّ وَكُنتُمْ عَنْ ءَايَـٰتِهِۦ تَسْتَكْبِرُونَ ﴿٩٣﴾
Walang isang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan dahil nagsabi: "Hindi nagpababa si Allāh sa isang tao ng anuman;" o nagsabi ng isang kasinungalingan: "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa kanya," samantalang si Allāh ay hindi nagkasi sa kanya ng anuman; o nagsabi: "Magpapababa ako ng tulad sa pinababa ni Allāh na Qur'ān." Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag dinadapuan ang mga tagalabag ng katarungan na ito ng hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay ng mga ito sa kanila sa pagpaparusa at paghagupit, na nagsasabi sa kanila bilang panunuligsa: "Magpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo sapagkat kami ay kukuha ng mga iyan. Sa araw na ito ay gagantihan kayo ng isang pagdurusang hahamak sa inyo at magpapaaba sa inyo dahilan sa kayo noon ay nagsasabi laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-aangkin ng pagkapropeta, pagkakasi, at pagpapababa ng tulad sa pinababa ni Allāh, at dahilan sa pagkamapagmalaki ninyo laban sa pananampalataya sa mga tanda Niya. Kung sakaling nakakikita ka niyon ay talaga sanang nakakita ka ng isang bagay na kahindik-hindik."