×

الأنعام

Ayah 81

Tafsir Al-Mukhtasar

وَكَيْفَ أَخَافُ مَآ أَشْرَكْتُمْ وَلَا تَخَافُونَ أَنَّكُمْ أَشْرَكْتُم بِٱللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِۦ عَلَيْكُمْ سُلْطَـٰنًا ۚ فَأَىُّ ٱلْفَرِيقَيْنِ أَحَقُّ بِٱلْأَمْنِ ۖ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ ﴿٨١﴾

Papaanong magaganap sa akin ang pangamba para sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh gaya ng mga diyus-diyusan samantalang walang nagaganap sa inyo mismo na pangamba dahil sa pagtatambal ninyo kay Allāh nang nagtambal kayo kasama sa Kanya ng nilikha Niya nang walang patotoo para sa inyo roon? Kaya alin sa dalawang umpukan: umpukan ng mga monoteista at umpukan ng mga tagapagtambal, ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan at kaligtasan? Kung kayo ay nakaaalam sa higit na karapat-dapat sa dalawa, sumunod kayo roon. Ang karapat-dapat sa dalawa – walang pag-aalinlangan – ay ang umpukan ng mga mananampalatayang monoteista.