Tafsir Al-Mukhtasar
وَقَالُوا۟ لَوْلَآ أُنزِلَ عَلَيْهِ مَلَكٌ ۖ وَلَوْ أَنزَلْنَا مَلَكًا لَّقُضِىَ ٱلْأَمْرُ ثُمَّ لَا يُنظَرُونَ ﴿٨﴾
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito: "Kung sakaling nagpababa si Allāh kasama kay Muḥammad ng isang anghel na magsasalita sa amin at sasaksi na siya ay isang sugo, talaga sanang sumampalataya kami." Kung sakaling nagpababa Kami ng isang anghel ayon sa paglalarawan na ninais nila ay talaga sanang nagpahamak Kami sa kanila kapag hindi sila sumampalataya at hindi sila palulugitan para sa pagbabalik-loob kapag bumaba iyon.