×

الأنعام

Ayah 70

Tafsir Al-Mukhtasar

وَذَرِ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُوا۟ دِينَهُمْ لَعِبًا وَلَهْوًا وَغَرَّتْهُمُ ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَا ۚ وَذَكِّرْ بِهِۦٓ أَن تُبْسَلَ نَفْسٌۢ بِمَا كَسَبَتْ لَيْسَ لَهَا مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلِىٌّ وَلَا شَفِيعٌ وَإِن تَعْدِلْ كُلَّ عَدْلٍ لَّا يُؤْخَذْ مِنْهَآ ۗ أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ أُبْسِلُوا۟ بِمَا كَسَبُوا۟ ۖ لَهُمْ شَرَابٌ مِّنْ حَمِيمٍ وَعَذَابٌ أَلِيمٌۢ بِمَا كَانُوا۟ يَكْفُرُونَ ﴿٧٠﴾

Pabayaan mo, O Sugo, ang mga tagapagtambal na ito na gumawa sa relihiyon nila bilang laro at paglilibang, na nanlalait dito at nangungutya rito. Dumaya sa kanila ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng taglay nito na mga kasiyahang naglalaho. Mangaral ka, O Propeta, ng Qur'ān sa mga tao upang hindi maisuko ang isang kaluluwa sa kapahamakan dahilan sa nakamit niya na mga masagwang gawa. Walang ukol sa kanya, bukod pa kay Allāh, na isang kakamping pagpapaadyaan niya ni isang tagapagpagitnang makapipigil para sa kanya ng pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon. Kapag tutubos siya [ng sarili] mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng alinmang pantubos ay hindi tatanggapin mula sa kanya. Ang mga nagsukong iyon sa kapahamakan ng mga sarili nila dahilan sa nagawa nila na mga pagsuway, ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang lumabis-labis sa init at isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.